Mikee likes to refer to herself in the third person sometimes.

This online journal is a collection of stories from the classroom, the corporate office and everywhere in between.

Even if it’s a dumb story, telling it changes other people just the slightest little bit, just as living the story changes me. An infinitesimal change. And that infinitesimal change ripples outward –ever forgotten, but the stories will last. And so we all matter –maybe less than a lot, but always more than none.

–An Abundance of Katherines, John Green

It is crucial for her to find Anne through her stories, for Anne is the adult who knows the difference between right and wrong and acts after deciding carefully without letting her soft side take over. Mikee is controlled by her child self who is deeply fascinated with all things bright and beautiful. Her parent self, contemplates her actions and guides her with virtues close to home. And if you don’t know what the metaphor means, think id, ego, superego –concepts from Psychology, a science she seeks to spend her lifetime studying.

She leaves it to your better judgment to decide if her thoughts are worth sharing and if Anne is worth finding.

img_2763

Lolo,

Hindi ako makagalaw ng maayos. Iniisip pa rin kita. Wala naman kasi akong nakausap/nakakausap tungkol sa iyo. Ang sinasabi nila, okay ka na diyan. Nagpapahinga ka na. Pero anong kasiguraduhan kong okay ka nga talaga?

Nakakatawa (?) dahil kahit wala ka na tinuturuan mo pa rin akong maging madasalin at matatag.

Pero ang sakit, Lo. Ang sakit sakit pa rin.

img_0193

Kamusta ka riyan, Lolo?

Gusto kong isipin na tahimik na kung nasaan ka — dama ang malamig na simoy ng hangin, tanaw ang karagatan, at nakabantay sa amin.

Hindi na tayo muling magkikita, pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.

I’m spiraling again.

I managed to get up earlier than yesterday and put on my face but that is just about it. I’m trying to channel my energies into working out but I can only dance and use the elliptical for less than an hour and a half. After that I go back to the gloom and doom. Eating helps, but it defeats the purpose of exercise.

I do not want to return to the rabbit hole. It is a very dark place. Last year  I had to calm myself down at church because I had the strongest urge to disappear. It’s not a good place to be in.

I would like to believe that I am high-functioning. I can compartmentalize my thoughts and my feelings. Most of the time I am a ray of sunshine. But some days the rain cloud over my head just won’t go away. The anxiety, panic, and dread creep in and they consume me. But that’s not the worst part.

The worst part is when you can’t feel anything at all.

May anim na Lola na nagpunta sa iyong lamay.

Gaya ng sinabi ko sa nakaraang liham, nagdagsaan ang mga taong nakiramay. Pero isa ang anim na Lola sa mga hindi ko makakalimutan.

Hindi ko sila nakita o nakausap pero ang kuwento sa akin, sumakay lamang sila ng dyip upang dalawin ka. Hindi na kalakasan ang kanilang mga tuhod ngunit matatag pa rin ang kanilang mga puso. Nakakaantig ng damdamin sapagkat bagamat hindi na sila kasing sigla ng dati, nakagawa pa rin sila ng paraan para makapagpaalam sa iyo. Hindi ko alam kung bakit walang anak o apong sumama sa kanila, pero siguro ganoon talaga iyon –minsan para makapagpatuloy, kailangan niyo lang ang isa’t isa.

Sabi ni Mommy kaklase mo raw sila noong High School. Dabarkads daw ang pangalan ng grupo nila. Madalas silang magkita upang kumain o manood ng sine. Tunay na nakakabilib ang tibay ng kanilang pagkakaibigan (ito ang tunay na #squadgoals). Dagdag pa ni Mommy, pinagsama-sama lang daw nila ang kanilang kaunting pera upang makatulong lamang sa ating pamilya.

Sayang at hindi kita nakilala noong kabataan mo, Lolo. Sigurado ako na kamangha-mangha ang iyong naging pakikitungo sa iyong kapwa para magmalasakit sila ng ganito sa iyo. Matagal na akong tumitingala sa’yo dahil nakapagpalaki ka ng mababait at matatalinong mga anak, pero mas nakatataba ng puso ang malaman na lubos mo ring minahal pati mga hindi mo kapamilya.

Ipinagmamalaki ko na ako ay naging iyong apo. Saludo ako sa’yo, Lolo.


Lolo,

Nangako ako na magsusulat ako sa’yo at para sa’yo, pero sa tingin ko marapat lamang na bigyang pugay ang pinakamahalagang babae sa iyong buhay –si Lola.

Katulad mo, simple lang si Lola. Madalas siyang abala sa mga gawaing bahay. Mahilig magpakwento at tumawa. Lumaki kaming (tayong?) lahat na busog sa alaga (at adobo) ni Lola. Pero, Lo, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman kung gaano ka kamahal ni Lola.

Hindi siya lumisan sa iyong tabi simula ng magkasakit ka. Kahit naman noong malakas pa kayong dalawa, hindi kayo mapaghiwalay, di’ba? Pero tunay na nakabibilib dahil para sa isang 77 anyos, nagawa pa niyang manatili sa iyong tabi upang alagaan at alalayan ka. Kahit naging makulit at masungit ka na, nagawa ka niyang unawain. Ang hirap yatang makitang nahihirapan ang taong mahal mo, pero si Lola, walang ibang ginawa kung hindi patuloy kang mahalin.

Ang kwento ni Mommy, si Lola ang nanatiling malakas para sa iyo. Kulang ang mga salita upang ilarawan ito, pero naramdaman ko ang kanyang paghihinagpis nang dinalaw kita sa Good Shepherd noong Huwebes.

Pagpasok ko sa iyong kwarto, nakaupo lang si Lola at nakikipagkwentuhan sa mga bisita. Ah, okay na siya, bulong ko sa aking sarili. Pero nang makita niya ako, dumaloy ang mga luha. Iniwan na tayo ni Lolo, sabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Lola kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Sa iyong huling gabi, balik siya sa pagiging abala sa mga bisita –nagpapakatatag para sa iyo at sa mga anak niya. Nang dumating ang oras upang ihatid ka na sa iyong huling hantungan, akala ko mangyayari yung mga nasa pelikula na may naglulupasay na asawa (Lo, ako yata yung muntik nang maglupasay –sobrang dami ko pa ring luha hanggang ngayon –pero huwag na lang kasi pangit, walang poise) pero tahimik lamang si Lola. Hanggang sa huli, kahit alam kong napakabigat nito para sa kanya, ikaw pa rin ang inuna niya.

Salamat Lolo dahil si Lola ang napili mong maging ina ng iyong mga anak (kahit sinasabi mong noong magkapitbahay pa kayo, siya ang laging sumisilip sa bintana para makita ka). 

Saksi kaming lahat sa pagmamahal ninyong dalawa. Huwag kang mag-alala dahil ngayon, kami naman ang mag-aalaga ka sa kanya. :’)

Grabe, Lo. Ang daming nagmamahal sa’yo.

Parang blockbuster lang sa takilya ang dami ng taong bumisita sa’yo kagabi. Maliban sa iyong mga kaibigan at kamag-anak, nagdagsaan din ang mga kaibigan ng mga anak mo. Yung iba galing pa sa malalayo. Yung iba hindi ka nakilala. Pero lahat gustong makiramay.

May nakapagsabi sa akin na ang tunay na pagmamahal, hindi nauubos kundi naguumapaw. Ngayong gabi ko napatunayan ang pag-agos ng iyong pag-ibig. Pati yung hindi natin kaano-ano gustong magbigay pugay sa’yo (pati nga yung kaopisina ng mga bayaw at manugang mo nagsipuntahan! Ibang level, Lo!). Ang yayabong ng bunga ng punla ng iyong pagmamahal na siyang itinanim mo sa iyong pitong anak.

Sayang nga lang at kailangan pang humantong sa ganito para mapagtanto ko ito. Hindi ako makapaniwala (o ayaw ko lang maniwala) na ito na ang huling araw na makikita kita. Naghihintay pa rin ako na magising at makita kang nakangiti sa akin, taglay ang iyong signature joke joke joke face. Sinusulatan pa rin kita ngayon dahil baka sakaling tumawag ka at sabihing, “o nabasa ko yung ginawa mo. Naiyak ako. Ang galing talaga ng apo ko.”

Wala nang magsasabi sa akin na ako ang pinakamagandang apo. Wala nang mag-aabang sa aking kwento tungkol sa mga magigiliw na estudyante. Wala na ring kukutos sa alaga kong aso. Kung alam mo lang gagawin ko ang lahat maulit lang ang mga sandaling ito.

Ang sakit, Lolo. Hindi mo kasi ako hinintay eh. Tawag ako ng tawag sa’yo nung gabing naiuwi ka na sa Mexico, kaya lang walang sumasagot. Kinaumagahan, ang sabi sa akin tumawag na lang daw ulit ako kapag gising ka na. Kaya lang hindi ka na nagising eh. 

Noong nakasama kita noong nakaraang mahal na araw, wala kang ibang gustong gawin kundi matulog. Pinipilit kitang bumangon, pero paulit-ulit mong sinasabing 5 minutes pa. Ngayon, pwede ba ako naman ang humingi sa’yo ng 5 minutes pa?

Ikaw ang best Lolo.

Biruin mo nagawa mong puntahan lahat ng Family Day, Recognition Day, Grandparents Day at Graduation Day na nagdaan sa buhay ko. Napuyat ako kagabi kakahalungkat ng mga litrato natin, mabalikan lang ang mga ito. Ang dami-dami nating magagandang alaala, Lolo. Akala ko nga eh maaabutan mo pa ang kasal ko (mga 10 years from now? Kasi sabi mo huwag muna) pati na rin ang pagtatapos ko ng MA ko. Sabi ko pupunta pa tayo sa Paris at sa Vatican kapag marami na akong pera kasi pangarap mo ‘yun di’ba? Ang dami pa nating plano kaya lang hanggang dito na lang pala tayo.

Nakakalungkot. Pero kung tayo ay magbabalik-tanaw, tunay nga namang naging mahaba at masaya ang iyong buhay. Sulit na rin no, Lo?

Ang tagal na nating hinihintay na tumama ka sa lotto, Lo. Pero siguro hindi na ibinigay ni Lord dahil mayaman na ang pamilya natin –mayamang mayaman sa pagmamahal.

Maraming salamat sa lahat ng karanasang iniregalo mo sa akin. Kulang yung mga naibigay kong polo shirt (sorry Lolo puro polo shirt) para suklian ang kabutihan mo, hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa lahat ng nakilala mo.

Isang malaking karangalan na maging iyong unang apo.