Lauren

Pakiramdam ko wala akong karapatang ibahagi ang aking nararamdaman dahil hindi naman talaga tayo magkaibigan. Pero ang bigat. Ang bigat-bigat.

Lalo pa’t alam ko na klase ko ang dapat na destinasyon mo ngayong umaga. Kanina nagtataka ako kung bakit wala pang mensahe mula sa iyo. Kadalasan kasi nagsasabi ka kung hindi ka makakarating sa itinakdang oras. Nakakabigla dahil kahapon lang, nagtatawanan pa tayong dalawa. “Pumunta lang ako dito para kumuha ng pagkain,” biro mo pa. Binati mo pa yung klase ko ng good luck bago ka umalis. Ako naman, walang kamuwang-muwang, nagpaalam sa’yo na para bang may bukas pa. Huli na pala ‘yon.

Noong nakaraang linggo, nakasama kita sa likod ng kotse, sa gitna ng traffic patungong Makati. Akala ko wala tayong mapag-uusapan pero buti na lang interesado ka rin sa Pokemon Go. Naisip ko, ang saya mo sigurong maging kaibigan. Sana lubos pa kitang nakilala. Pero masaya ako na kahit papaano may pagkakataon tayong magkatrabaho kahit magkaiba tayo ng departamento. Ang gaan mo kasing kasama. Walang bahid ng arte o pagmamataas. Konti lang ang mga alaala kong kasama ka, pero lahat ng ito ay magaganda.

Screenshot 2016-07-22 22.39.08

May aabutan pa ba ako?”

Basa ng huling text mo sa akin. Kahit hindi mo na maririnig ang sagot ko, gusto kong malaman mo na sa gitna ng kawalang katiyakan at paghahanap ng katarungan, labis at lubos na pagmamahal ang iyong maaabutan sa iyong huling hantungan.

Hanggang sa muli, Kabarkada.

IMG_3188

2 comments
  1. Auh♡ said:

    Aww napakaganda Mikee ♡Kasama mo ako nakikidalamhati sa pagpanaw ng Ka-barkada natin +Lauren 💐💗💐

    • Mikee Garcia said:

      Ang sakit pa rin, M’ Auh. Hindi ko po maipaliwanag yung nararamdaman ko pero ganun siguro talaga kapag mabuti kang tao -kahit yung minsan mo lang nakakasalamuha ramdam ang pagkawala mo :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: